

Tuesday, January 31,2012
Bago ko simulan ang lahat,
ngayong araw ko sisimulan ung pag-susulat ko ng mga kwento tungkol sa araw araw na nangyayari sa buhay ko
oo alam ko na nagawa ko na nung 1st year college ako ( sa facebook account ko. sa mga notes ko) pero tinigil ko din kasi sinabihan ako ng ate ko na baka sinasayang ko ang oras ko kakasulat ng mga istorya katulad nito.
nung una, natakot ako sa sinabi ng ate ko.
kaya tinigil ko, pero ito talaga ung gusto kong gawin eh
gusto kong magsulat ng magsulat hanggang sa gusto ko
kahit na mali mali ang grammar ko
ayos lang
basta masabi ko lang ang gusto kong masabi..
naisip ko rin kasi na wala naman akong magawa
hindi ako makapagphotoshop ng matino ngaun
di ako makapagbasa ng manga
hindi din ako makapagfacebook kasi nga parang gusto kong lumayo sa tao
kaya ito ngayon ako
Sisimulan ang isang walang kwentang blog tungkol sa buhay ko
akala ko, magiging normal na araw lang ulit to para sa akin
oo. yun talaga ang akala ko
pero hindi pala.
something unexpected happened
for the past few days i was wondering kung ano ba ang mangyayari sa akin sa hinaharap
iniisip ko to habang palakad ako pauwi mula sa skul ko papunta sa bahay namin
yayaman ba ako?
magiging sikat ba ako?
magiging masaya ba ako?
o magiging kabaliktaran ng lahat ng sinabi ko?
sabi nga diba?
“kung anong ginagawa mo sa kasalukuyan, ikaw yan sa hinaharap”
ibig sabihin, kapag nagsipag ka ngaun, magiging pagod ka kinabukasan.
biro lang.
sa totoo lang, kapag ang tao naman nagsipag at nagtyaga
mgiging maganda ang buhay niya sa hinaharap eh
at matagal ko na ring pinagiisipan kung anong plano ko sa buhay ko
nung unang pumasok ako sa college
ang unang goal ko ay maging honor pagkagraduate ko
makakuha ng mataas na grades para makahanap ng magandang trabaho
maging responsable, at maging pala-aral
maging isang tunay na estudyante gaya nung elementary at highschool ako
mataas lahat ng expectation sa akin kaya dapat gawin ko lahat ng mga bagay na yan
mahirap mang sabihin pero ito talaga ang buhay ko
so ganun na nga.
inisip ko ung mga bagay na un
pero bigla na lang akong naliwanagan dahil nga sa bagay na hindi inaasahan
it was my professor in English
who was giving us a lecture on the ABC’s of Technical Writing
seryosong seryoso ako palagi kapag nakikinig sa mga lecture ng mga professors ko
ang sarap kasing matuto lalo na kapag naeenjoy mo ung subject at ung mga lesson
pati na rin kapag meron kang natututuhan sa kanila
natapos ng idiscuss ni sir ung letters “A” to “O”
bawat letter merong explanation at side stories na nakakaenjoy pakinggan
then we were on letter “P”
which represents the word “PLANNING”
biglang nagflashback sa utak ko
ung mga bagay na pinag-iisip ko for the last few weeks
un na nga talaga ang kulang ko sa buhay ko
ang PAGPLAPLANO
at dapat ang pagplaplano mo ay nakabase na rin sa mga bagay na gusto mong gawin
at hindi tungkol sa mga bagay na gustong ipagawa sa iyo ng ibang tao
kung titignan ko kasing mabuti
ang plano ko sa buhay e maging perpektong estudyante
maganda nga sigurong tignan
pero para sa akin
ang hirap tuparin ng mga bagay na yan
hindi mabubuhay ang isang tao na puro aral lang
sabi nga “enjoy your life to the fullest”
ung fullest na tinutukoy dun ay hindi lang palaging pag-aaral
kasama na dun ung pagiging masaya mo
sabi nga sa akin ng isang kaibigan ko
“ang problema kasi sayo, puro ka na lang aral, tignan mo ung iba dyan, balanse lang, nag-aaral sila tapos nagsasaya”
tama nga siya
siguro nga nawawalan na ng value ung kasiyahan sa akin
siya rin nagsabi sa akin na maraming bagay naman ang pwedeng magpasaya sayo
kapag gusto mong magplano
pwedeng makipagkita ka sa mga kaibigan mo nung HS ka
pwedeng kang kumain ng mga gusto mong pagkain
gumimik ka paminsan minsan
mamasyal ka
iminum ka kasama ang barkada
lesson na rin siguro sa akin itong mga pangyayaring ito
na dapat planuhin ko na ng maigi ang magiging kinabukasan ko
because everything we will do today
will affect who and what we are in the near future.
-Seng